2024-10-Web

“BUT IF NOT” FAITH

OCT 06, 2024

Worship

Endless Praise, Know His Love, How Great Is Our God, Christ Be Magnified

Welcome

Anong mga desisyon ang ginawa mo noong ikaw ay nasa high school o nung ika’y nasa college years mo na nagkaoon ng magandang kinalabasan sa iyong pagtanda (halimbawa, sa iyong career, mga relasyon, atbp.)?

Mayroon bang desisyon na ginawa mo noon na nagdulot ng negatibong epekto sa iyong buhay sa bandang huli?

Word

DANIEL 3:17-18
_ANG BIBLIA, 2001

(BASAHIN ANG BUONG JUAN 21)

17 Kung mangyayari na ang aming Diyos na pinaglilingkuran namin ay makapagliligtas sa amin sa hurno ng nagniningas na apoy; ay hayaang iligtas niya kami sa iyong kamay, O hari. 18 Ngunit kung sakali mang hindi, dapat mong malaman, O hari, na hindi kami maglilingkod sa iyong mga diyos, ni sasamba man sa rebultong ginto na iyong ipinatayo.”

Ano ang pagkakapareho nina George Washington, Joan of Arc, Alexander the Great, at Blaise Pascal? Sila ay mga kabataan na nagkamit ng mga kahanga-hangang mga bagay! Habang ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Kabataan sa CCF, matutuklasan natin na ang pinakamainam na pamumuhunan na maari nating gawin ay ang ibigay ang ating lubos na pagsisikap para sa buhay ng mga kabataan.

 

Tatlong kabataang lalaki mula sa kaharian ng Juda, sina Shadrac, Meshac, at Abednego, ay nagpakita ng matinding pananampalataya sa Diyos. Ang hari ng Babilonia, si Nebukadnezar, ay nagtayo ng isang rebulto na dapat sambahin ng lahat at kung hindi, ikaw ay itatapon sa isang hurno ng nagniningas na apoy (Daniel 3:1-6). Sinubukan ng hari na hikayatin sina Shadrac, Meshac, at Abednego na sambahin ang diyus-diyosan na kanyang itinayo (vv. 14-15). Ngunit nang sumagot ang tatlong kabataang ito, sila ay nanindigan, ibinahagi nila ang kanilang pananalig– malinaw na hindi sila sasamba sa mga diyus-diyosan. Kung sila ay mapapahamak dahil sa paninindigang ito, nagtitiwala sila sa kanilang Diyos na ililigtas sila… “Ngunit kung sakali mang hindi” (v.18), nagpasya pa rin ang mga kabataang ito na manatili sa kanilang katapatan sa Diyos.

 

Tignan natin bilang halimbawa ang tatlong kabataang ito at matutunan mula sa kanila ang uri ng pananampalatayang “NGUNIT KUNG SAKALI MANG HINDI” na kanilang ipinakita.

1.AUTHENTIC
TUNAY

 

Inilahad ng Daniel 1 ang konteksto – sinakop ng Babilonia ang Jerusalem at winasak ang templo (vv.1-2). Maraming tao ang kinuha bilang “mga bihag ng digmaan.” Gayunpaman, nagpasya si Haring Nebukadnezar na pumili ng ilang mga kabataang lalaki na walang kapintasan, kaakitakit, matalino, may taglay na kaalaman at pang-unawa, upang magsilbi sa kaharian ng Babilonia (vv.3-4). Sila ay sinanay at tinuruan ng panitikan at kultura ng mga Caldeo – isang sapilitang pagsunod sa kulturang hindi alam ng mga kabataang Hudyo. Pinalitan ang kanilang mga pangalan (vv.5-7) – sina Daniel, Hananias, Mishael, at Azarias ay binigyan ng mga pangalang pang-Babilonio — Belteshasar, Shadrac, Meshac, at Abednego; sinusubok na baguhin ang kanilang buong pagkatao at pag-ilişip upang kanilang yakapin ang kulturang Babilonio– ngunit hindi nagpasailalim ang mga kabataang ito!

 

MGA PANGALANG HEBREO MGA PANGALANG BABILONIO
Daniel
Ang Diyos ang aking hukom
Belteshasar
Inaalagaan ni Bel sa kanyang buhay
Hananias
Ipinapakita ng Panginoon ang biyaya
Shadrac
Utos ni Aku ( ang diyos ng buwan )
Mishael
Sino ang katulad ng Diyos?
Meshach
Sino ang gaya ni Aku?
Azarias
Ang Panginoon ang aking tulong
Abednego
Alagad ni Nego (diyos ng karunungan)

 

Ang tunay na pananampalataya ay hindi pananampalatayang komersyal na nakabatay sa kaginhawaan; hindi tayo nakipagtawaran para dito. Halimbawa, sa panimula, ang pananampalataya ni Jacob ay mababaw (Genesis 28:20-22). Kung ibibigay ng Diyos kung ano ang kahilingan nya, sasambahin niyang PANGINOON ang Diyos at magbibigay siya ng kanyang ikapu sa Kanya. Nagawa mo na bang makipagtawaran at makipagkasundo sa Diyos? Upang lubos na magtiwala sa Kanya, kailangan nating lumago sa biyaya at kaalaman kung sino ang Diyos (2 Pedro 3:18). Ang pananampalataya ay lumalago lamang kapag ito ay konektado hindi sa kalagayan natin, kundi sa Diyos. Isang higit na mabuting uri ng pananampalataya ay ang taglay ni Job, na nawalan na ng lahat ngunit pinili pa ring sambahin ang Diyos (Job 1:21-22). Sinabi pa niya na kahit patayin siya ng Diyos, siya ay aasa ( maghihintay at magtitiwala ) pa rin sa Kanya (Job 13:15). Iyan ang pananampalatayang tunay! Si Jesus ay nagpamalas ng ganitong pananampalataya na habang siya ay nanalangin sa Hardin ng Getsemani – “…gayunma’y hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo” (Mateo 26:39). Ang Diyos ay umiibig sa iyo ng sobra na ninanais Niyang matiyak na ang iyong pananampalataya ay tunay. Ang huwad na pananampalataya ay hindi mapagkakatiwalaan; piliin ang tunay na pananampalataya.

2. CENTERED ON WHO GOD IS
NAKASENTRO SA KUNG SINO ANG DIYOS

 

Balikan natin ang kwento ng tatlong kabataan. Ang kanilang tugon kay Haring Nebukadnezar ay nagpapakita sa atin na ang kanilang pananampalataya ay hindi nakabatay sa kung ano ang nais nilang gawin ng Diyos kundi sa kung sino ang Diyos (Daniel 3:17-18). Ano ang ibig sabihin ng gawing nakasentro sa Diyos? Laging may pinatutungkulan ang pananampalataya. Ang iyong pananampalataya ay hindi maaaring nasa vaccum o kawalan. Dapat itong nakatuon sa kung sino ang Diyos, hindi sa damdamin, mga kalagayan, tao, o mga lider. Ang Diyos ba ay mabuti? Naniniwala tayong Siya ay ganun nga. Siya ba ay makapangyarihan? Oo, naniniwala tayong Siya ay ganun nga. Alam ba ng Diyos ang lahat, at sa katunayan, alam kaya Niya kung ano ang pinakamainam para sa iyo? Oo! Kung iyan ang ating Diyos, nagtitiwala ba tayo sa Kanya? Ngunit kapag dumating na ang mga pagsubok at paghihirap, nawawalan tayo ng pokus sa Kanya. Ang Awit 34:8-10 ay nagtuturo sa atin ng tungkol sa kabutihan ng Diyos at kung paano Siya maaasahan – na hindi tayo magkukulang, at kapag hinanap natin Siya, hindi tayo magkukulang ng magagandang bagay.

 

Ang Hebreo 11 ay isang kabanata na tumatalakay sa pananampalataya. Sinasabi sa v.6 na “kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.” Dapat tayong maniwala na ang Diyos ay Diyos at “Siya ang tagapagbigay-gantimpala (sa mga masigasig na humahanap sa kanya)” — iyan ang kalikasan ng Diyos, Siya ay mabuti, at alam Niya kung ano ang pinakamainam para sa atin. Hindi ka talo kapag ikaw ay nasa panig Niya. Ang Hebreo 11 ay may mga halimbawa ng mga taong lubos ang pananampalataya– sina Noe, Abraham, Moises, at marami pang iba – at ang kanilang pananampalataya sa Diyos ang nagbigay-daan sa kanila upang sumunod, magpasakop, at sundin ang patnubay ng Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay naka-angkla sa kung sino ang Diyos – ang Kanyang katangian, kapangyarihan, at kabutihan. Sinasabi sa v.13 na namatay sila nang hindi natanggap ang mga pangako – at karamihan sa mga katauhang ito ay dumaan sa mga pagsubok at marami ang napatay (vv.37-40) – ngunit ang pangako ng Diyos sa mga tao sa Lumang Tipan na kasama ang pagdating ng Mesias. May pribilehiyo tayong makilala si JESUS, at nakikita natin ang katuparan ng mga pangako ng Diyos! Sinasabi sa Hebreo 12:1-2 na “itabi natin ang bawat pabigat at ang pagkakasalang madaling bumibitag sa atin”, at sa halip, “pagmasdan natin si Jesus na siyang nagtatag at nagpasakdal ng ating pananampalataya”!

TRIUMPHANT FAITH
MATAGUMPAY NA PANANAMPALATAYA

 

Ang ganitong uri ng pananampalataya ay laging nagtatagumpay – ang tatlong kalalakihan ay naniwala na ang kaligtasan ay magmumula sa Diyos, ngunit KUNG SAKALI MANG HINDI sila iligtas, ipinangako pa rin nila ang kanilang pananampalataya sa Kanya. Ang pundasyon ng isang matagumpay na pananampalataya ay ang kaalaman na ang Diyos ay nasa ating panig, at ang Kanyang layunin ay laging mabuti (Roma 8:28-32)!

 

Labis na nagalit si Nebukadnezar nang tumanggi ang mga kabataan na sambahin ang kanyang diyus-diyosan (Daniel 3:22) at ipinatapon sila sa naglalagablab na hurno (pinainit pa ng lalo nang higit pa sa pitong beses). Sa loob ng hurno, mayroong ikaapat na Tao na nakatayo sa apoy kasama nila. Lumabas sila na hindi nasaktan, kahit ang kanilang buhok at damit ay hindi nasunog ng apoy na pumatay mismo sa mga nagtapon sa kanila sa hurno! Kapag ikaw ay dumaan sa apoy ng buhay, si Jesus ay sasamahan ka, at ikaw ay lalabas na tagumpay. Ang pananampalataya kay Jesus ang ating tagumpay (1 Juan 5:4). Nangako si Jesus na Siya ay makakasama ng Kanyang mga tagasunod palagi, HANGGANG SA KATAPUSAN NG PANAHON (Mateo 28:20).

DISCUSSION QUESTIONS

(Para sa mga lider: Pumili ng mga tanong na nababagay sa antas ng spiritual maturity ng iyong mga members)

1. Ano ang ibig sabihin sa iyo ng pananampalataya na “Ngunit kung sakali mang hindi,”?

2. Ano ang kailangan mong gawin upang magkaroon ng ganitong klaseng pananampalataya?

3. Nagkaroon ba ng pagkakataon sa buhay mo na nakatuon ka sa problema at hindi sa Panginoon? Ano ang nangyari sa ‘yo noong panahon na iyon?

4. Paano mo maisasabuhay ang mga natutunan mo mula sa mensahe ngayon?

Works
PRAY CARE SHARE IN ACTION

Ipanalangin natin ang isang taong kilala na kasalukuyang dumaraan sa “naglalagablab na hurno” sa buhay ngayon.

Ipanalangin natin na makita nila si Jesus doon mismo kung nasaan sila, habang tayo ay naghahanda na maging kinatawan Niya sa kanilang buhay.

Ibahagi mo sa kanila ang ebanghelyo ni Cristo upang makilala nila ang Diyos na kung sino Siya at ibigay nila ang kanilang tiwala sa Kanya.

WEEKLY PRAYER POINTS

I. Thanksgiving / Pagpapasalamat

• Sambahin ang Diyos kung sino Siya,kung ano ang Kanyang nagawa at gagawin sa ating buhay.

II. Country and the World / Ng Ating Bayan at ng Mundo

• Matuwid at moral na pangangasiwa ng mga manggagawa sa gobyerno; pagsisisi at kaligtasan ng mga lider sa gobyerno at mamamayan para sa Christ-centered na Pilipinas.

• Tulong at pagkalinga ng Diyos para sa mga tao ng Sudan na nahaharap sa karahasan at kaguluhan.

• Ang pagtapos ng digmaan sa Ukraine, mapigilan ang pagkawala ng buhay; huminto ang tensyon sa mga bansa sa Silangang Asya at Gitnang Silangan.

• Patuloy na ipanalangin ang ligtas na pagbabalik ng mga natitirang bihag sa Israel sa kanilang mga pamilya. Ipanalangin na magtapos na ang digmaan ng Israel laban sa mga terorista ayon sa layunin ng Diyos at para sa Kanyang kaluwalhatian.

• Ipanalangin na ang kamakailang kaguluhang pampulitika at panlipunan sa Estados Unidos ay magresulta sa espiritwal na paggising sa simbahan at isang dakilang espiritwal na ani.

III. Church / Ating Simbahan

• Na ang mga miyembro ng CCF ay mabigyang dangal ang Diyos at magpaparami ng mga disciples

• Mga Elders, Pastors, Leaders, at mga Pamilya

• Ang mga ministries, mga church satellites at mga home churches sa buong mundo.

IV. CCF Facilities / Mga Pasilidad ng CCF

• Worship and Training Center

• Prayer Mountain

V. Personal Concerns / Mga Personal na Alalahanin

• Ang paglalim ng ating relasyon sa Diyos.

• Matuwid na pamumuhay

• Ang kaligtasan ng ating mga kapamilya at mga kaibigan.

Memory verse

DANIEL 3:17-18
_ANG BIBLIA,2001

menu