Let Jesus Conquer Your Giants
Today, We Praise You, Greater Than, Crown Him With Many Crowns
Mayroon ka bang “Christian” sticker sa iyong sasakyan, o nakakita ka na ba ng isa sa ibang sasakyan? Ito ba ay nagpapaalala sa iyo na kumilos ng maayos sa daan bilang kumakatawan kay Jesus? Bakit o bakit hindi?
1 SAMUEL 17:44-50 ANG BIBLIA, 2001
Sinabi ng Filisteo kay David, “Halika at ibibigay ko ang iyong laman sa mga ibon sa himpapawid at sa mga hayop sa parang.” 45 Pagkatapos ay sinabi ni David sa Filisteo, “Lumalapit ka sa akin na may tabak, may maliit at malaking sibat, ngunit ako’y lumalapit sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel na iyong hinahamon. 46 Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay, at ibubuwal kita, at pupugutin ko ang ulo mo. Ibibigay ko ang mga bangkay ng hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid at sa mababangis na hayop sa lupa sa araw na ito upang malaman ng buong lupa na may Diyos sa Israel; 47 at upang malaman ng buong kapulungang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat. Ang labanang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay.” 48 Nang tumayo ang Filisteo at lumapit upang salubungin si David, si David ay mabilis na tumakbo sa hanay ng labanan upang sagupain ang Filisteo. 49 Ipinasok ni David ang kanyang kamay sa kanyang supot at kumuha roon ng isang bato, at itinirador. Tinamaan ang Filisteo sa kanyang noo at ang bato ay bumaon sa kanyang noo, at pasubsob siyang bumagsak sa lupa. 50 Kaya’t nagwagi si David laban sa Filisteo sa pamamagitan ng tirador at ng isang bato, ibinuwal ang Filisteo at kanyang pinatay siya. Walang tabak sa kamay ni David.
Ang pinagtutuunan natin ng pansin ay talagang makakalikha ng pagkakaiba, ito ay nababagay din sa mga underdog na sports team, naakma din ito lalo na sa mga taong itinuturing ang sarili bilang bahagi ng “Team Jesus”. Ang Tao (si Jesus) na ating kinakatawan ay mas mahalaga kaysa sa ating mga sariling pagkakakilanlan. Marami sa atin ngayon ang nahaharap sa “Team Giants” sa ating buhay — panghihina ng kalooban, mga pangangailangan sa pananalapi, takot, pagkabigo, pagmamataas, pagkakasakit, pagka-addict, atbp. Kung gayon, anong mga prinsipyo ang maaari nating matutunan at magamit, mula sa buhay ng isang batang pastol, na si David (ang nakatakdang maging hari ng Israel) habang kinakaharap niya ang kanyang higanteng kaaway na si Goliat?
1) KONSAGRASYON o PAGTATALAGA
Ang consecration o pagtatalaga ay nangangahulugang tayo ay fully committed kay Jesus. Ito ay tulad ng isang relasyong comitted sa pag-iisang dibdib– eksklusibong nakalaan ka sa iyong kabiyak. Huwag kailanman asahan na makita ang “mga higanteng bumagsak” sa iyong buhay kung hindi ka committed sa relasyon mo kay Jesus!
Bago pa ang pagtatagpo na ito, si David ay anointed na o binuhusan na ng langis ng propetang si Samuel para maging hari ng Israel sa hinaharap kung saan ipinahayag ng Diyos ang Kanyang pamantayan para sa Kanyang piniling hari (1 Samuel 16:4-7). Kumusta ang ating mga puso ngayon? Tayo ba ay ganap na nakatalaga kay Jesus? Maaari ka lamang maging 0% o 100% na nakatalaga sa Panginoon—ikaw ay itinalaga para sa Kanya o hindi. Hindi si David ang pinakamaliwanag na pinili para maging isang hari – kahit na mismo ang kanyang pamilya ay hindi itinuring na siya ay “karapat-dapat” na maging anointed one o ang natatanging pinili ng Diyos. Ngunit pinili ng Diyos ang batang pastol na si David (mga 16 taong gulang) upang maging hari (1 Samuel 16:12-13)! Ang seremonyal na anointing o pagbubuhos ng langis kay David ay isang pampublikong kumpirmasyon kung ano na ang totoo sa kanyang buhay na alam na ng Diyos: Si David ay mayroon ng personal na kaugnayan sa Diyos. Si David ay isang kabataang lalaki ng papuri, panalangin, at pagtitiwala sa Diyos; nagkaroon siya ng maraming pagpapalagayangloob at pag-iisa sa Diyos bilang isang pastol sa mga pastulan.
Ngayon, ang pagpapa-bautismo sa tubig ay isa ring pampublikong kumpirmasyon ng personal na kaugnayan ng isang tao sa Diyos na umiiral na bago pa mangyari ang seremonya ng bautismo. Ang bautismo ay hindi makapagliligtas sa atin, ngunit ito ay isang pampublikong pagpapahayag na tayo ay nasa isang relasyong consecrated o nakatalaga sa Diyos, na susundin natin si Jesus sa buong buhay natin.
DAVID | JESUS |
---|---|
Si David ay binuhusan ni Samuel ng langis. | Si Jesus ay binautismuhan ni Juan sa tubig. |
Ang Espiritu ng PANGINOON ay dumating na makapangyarihan kay David. | Bumaba ang Espiritu Santo kay Jesus sa anyo ng isang kalapati. |
Hinarap ni David si Goliath | Si Jesus ay tinukso sa ilang. |
PINAPAHIWATIG NG MGA USO: Ako ang kapitan ng aking barko, ang panginoon ng aking kapalaran. Mabubuhay ako sa paraan ko.
PINAPAHIWATIG NG KATOTOHANAN: Galacia 2:20 “…hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin.”
2) KATAPANGAN (1 Samuel 17:1-32)
Ang katapangan ay nangangahulugan na tayo ay nagtitiwala at sumusunod tayo kay Jesus sa lahat ng pagkakataon. Ito ay batay kay Jesus, na siyang Katotohanan. Kung magtitiwala tayo sa Kanya, susundin natin Siya. Iyan ay tunay na katapangang biblikal…tulad ng sinabi ni Charles Spurgeon, “Siya na may takot sa Diyos ay walang ibang dapat katakutan”.
Ang 1 Samuel 17:1, 3 ay naglalarawan kung paano nakaabang ang mga Israelita at ang kanilang mga kaaway sa dalawang bundok na magkatapat. Sa pagitan nila ay isang kapatagan na kung saan nakatayo ang higanteng Filisteo, si Goliat (8.5 – 9.5 na talampakan ang taas) ay nanunuya at hinahamon ang hukbo ng Israel na magpadala ng kanilang kampeon upang harapin siya sa labanan (vv. 4-9). Ang orihinal na Hebreong kahulugan ng “kampeon” ay “isang taong nakatayo sa puwang”. Itinala ng Bibliya ang iba pang mga higante na umiral noon pa man at si Goliat ay may mga kapatid na lalaki (2 Samuel); Ang mga higante ay hindi isang kathang-isip— sila ay namuhay sa mundong ito. Ang hari ng Israel, si Saul, kasama ang buong Israel ay nasiraan ng loob (shattered) (vv. 10-11,16). Nanatili silang nakatayo habang hinahamon sila ni Goliat buong araw at gabi. Samantala, si David ay unutusan ng kanyang amang si Jesse na magdala ng pagkain sa kanyang mga kapatid na naglilingkod sa hukbo (vv. 20-21). Ang hukbo ng Israel ay umiiwas mula kay Goliat, kahit na may malaking insentibo na iniaalok sa sinumang lalaban sa kanya (vv. 24-25). Nakatuon sila sa kung gaano kalaki ang kaaway, ngunit si David ay nakatuon sa reputasyon ng Diyos, at ang 16 na taong gulang na batang pastol na ito ay nagboluntaryong lumaban alang-alang sa Kanyang pangalan (v. 26, 31-32).
PINAPAHIWATIG NG MGA USO: Kung masyadong mahirap, mag-bail out na lang.
PINAPAHIWATIG NG KATOTOHANAN: 2 Timoteo 1:7 Si Jesus ang ating giant-slayer
3) PAGBABALIK-ALAALA (1 Samuel 17:33-37)
Ang ibig sabihin ng pagbabalik-alaala ay isaalang-alang natin ang katapatan ni Jesus sa ating buhay. Saan mo nakita ang katotohanan na si Jesus ang giant-slayer sa iyong buhay? Ang katapangan ni David ay hindi pansariling pagpapalakas ng loob; ang kanyang batayan para dito ay ang katapatan ng Diyos sa kanyang buhay (vv. 33-34, 37). Parehong sa kaso ni David at maging sa buhay ni Samson, ang Espiritu ng Diyos ang nagbigay ng kapangyarihang pumatay sa mga leon na nagbanta sa kanila—hindi sa pamamagitan ng matinding lakas nila napagtagumpayan ang kanilang kalaban.
PINAPAHIWATIG NG MGA USO: May pag-asa pa ba ako? Nabigo ako (o binigo ako ng mga tao) nang maraming beses
PINAPAHIWATIG NG KATOTOHANAN: Panaghoy 3:21-23 Ang katapatan ng Diyos ay sariwa tuwing umaga!
4) PAGTATAGUMPAY (1 Samuel 17:38-50)
Ang pananagumpay ay nangangahulugan na tayo ay kumikilos at nagbibigay ng kaluwalhatian kay Jesus. Kilala ni David ang Diyos at tiniyak niya na bago pa man siya kumilos (hanggang pagkatapos), nagbigay siya ng kaluwalhatian sa Diyos (Daniel 11:32). Minsan ating nao-over-spiritualize o labis na ginagawang espirituwal na naghihintay na lamang tayo na dumating ang mga solusyon nang hindi tayo gumagawa ng anumang gawain; Si David ay hindi lamang nanatIling nakatayo — hinarap niya si Goliat (v. 40). Nagpakita si David ng kamangha- manghang kumpiyansa sa Diyos nang harapin si Goliat. Ang kanyang layunin ay ibigay sa Diyos ang lahat ng kaluwalhatian (vv. 41, 43-47)! Nang napatay ni David si Goliat, wala man lang siyang sariling espada sa kanyang kamay (vv. 48-50). Ngayon, maaaring wala tayong mga “espada” sa ating mga kamay para labanan ang mga “goliat”, ngunit ang mayroon tayo ay ang espada ng Espiritu, ang salita ng Diyos. Ang pinakamalaking tagumpay laban sa mga uso ngayon ay ang Katotohanan (si Jesus). Nasa atin ang lahat para makita natin ang pagbagsak ng ating mga higante!
PINAPAHIWATIG NG MGA USO: Kaya ko itong mag-isa! O…hindi ko kakayanin ito!
PINAPAHIWATIG NG KATOTOHANAN: Roma 8:37 Ang pagtatagumpay ay sa pamamagitan ni Jesus na nagmamahal sa atin; ang ating Kampeon na naging tulay sa pagitan ng Diyos at ng mga makasalanan
(Para sa mga lider: Pumili ng mga tanong na nababagay sa antas ng spiritual maturity ng iyong mga members)
1. Ibinigay mo na ba ng buo ang iyong buhay para kay Jesus? Kung oo, ano ang pagbabagong ginawa Niya sa ‘yo? Kung hindi, bakit hindi mo pa maibigay?
2. Ano ang isang malaking balakid sa buhay mo? Paano ka naapektuhan nito?
3.Paano naging tapat ang Diyos sa iyo? Paano nakakatulong ang pag-alala sa mga ginawa Niya sa pinagdadaanan mo ngayon?
Ipagdasal ang pamilya at mga kaibigan na kilala mo na nahaharap sa isang malaking problema, hamon, o pangangailangan ngayon.
Ibahagi sa kanila ang mensahe ngayong Linggo at ipakilala sa kanila ang natatanging Tagapagligtas, si Jesus na nag-iisang may kakayanan na pagtagumpayan ang higanteng kasalanan na naghihiwalay sa atin sa Diyos.
I. Thanksgiving / Pagpapasalamat
• Sambahin ang Diyos kung sino Siya,kung ano ang Kanyang nagawa at gagawin sa ating buhay.
II. Country and the World / Ng Ating Bayan at ng Mundo
• Matuwid at moral na pangangasiwa ng mga manggagawa sa gobyerno; pagsisisi at kaligtasan ng mga lider sa gobyerno at mamamayan para sa Christ-centered na Pilipinas.
• Tulong at pagkalinga ng Diyos para sa mga tao ng Sudan na nahaharap sa karahasan at kaguluhan.
• Ang pagtapos ng digmaan sa Ukraine, mapigilan ang pagkawala ng buhay; huminto ang tensyon sa mga bansa sa Silangang Asya at Gitnang Silangan.
• Patuloy na ipanalangin ang ligtas na pagbabalik ng mga natitirang bihag sa Israel sa kanilang mga pamilya. Ipanalangin na magtapos na ang digmaan ng Israel laban sa mga terorista ayon sa layunin ng Diyos at para sa Kanyang kaluwalhatian.
• Ipanalangin na ang kamakailang kaguluhang pampulitika at panlipunan sa Estados Unidos ay magresulta sa espiritwal na paggising sa simbahan at isang dakilang espiritwal na ani.
III. Church / Ating Simbahan
• Na ang mga miyembro ng CCF ay mabigyang dangal ang Diyos at magpaparami ng mga disciples
• Mga Elders, Pastors, Leaders, at mga Pamilya
• Ang mga ministries, mga church satellites at mga home churches sa buong mundo.
IV. CCF Facilities / Mga Pasilidad ng CCF
• Worship and Training Center
• Prayer Mountain
V. Personal Concerns / Mga Personal na Alalahanin
• Ang paglalim ng ating relasyon sa Diyos.
• Matuwid na pamumuhay
• Ang kaligtasan ng ating mga kapamilya at mga kaibigan.
1 SAMUEL 17:47 ANG BIBLIA,2001
“at upang malaman ng buong kapulungang ito na hindi nagliligtas ang PANGINOON sa pamamagitan ng tabak o ng sibat. Ang labanang ito ay sa PANGINOON, at ibibigay Niya kayo sa aming kamay.”