2024-10-Web

GOD RESTORES, COME BACK TO JESUS

OCT 27, 2024

Worship

Lord of all Creation, Know His Love, Here in Your Presence, Even (I’ll Still Praise), Christ is Enough

Welcome

Anong mga alaala o mga souvenirs mula sa ’80s o ’90s ang mayroon ka pa sa bahay? Mayroon bang na-upgrade na bersyon nito na siyang umiiral
ngayon?

Word

JUAN 21:15-17
_ANG BIBLIA, 2001

(BASAHIN ANG BUONG JUAN 21)

15 Pagkatapos nilang makapagalmusal, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, minamahal mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” Sinabi niya sa kanya, “Opo, Panginoon, nalalaman mo na minamahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kanya , “Pakainin mo ang aking mga kordero.” 16 Sa ikalawang pagkakataon ay sinabi niya sa kanya, “Simon, anak ni Juan, minamahal mo ba ako?” Sinabi niya sa kanya, “Opo, Panginoon; nalalaman mo na minamahal kita.” Sinabi niya sa kanya, “Alagaan mo ang aking mga tupa.” 17 Sinabi niya sa kanya sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Juan, minamahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong ulit nang sinabi sa kanya, “Minamahal mo ba ako?” At sinabi niya sa kanya, “Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay . Nalalaman mo na minamahal kita.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.

Naaalala mo ba ang mga gadget noong nakalipas na mga taon? Kailangan mo ng higit na pasensya para patakbuhin ang mga ito nang manu-mano, at hindi sila kasing bilis o husay gaya ng gusto natin (VHS players, Family Computer, mga cassette tapes, mga beepers, atbp.). Sa halip, ngayon ay mayroon na tayong mga serbisyo ng streaming para sa mga pelikula, cellphone, PlayStation, at K-Pop na mga banda. Ngunit anuman ang ating henerasyon, makakaranas tayo ng mga kabiguan. Lahat tayo ay nakapandaya, nagsinungaling, nangtsismis, atbp nang kahit papaano sa ating buhay. Anuman ang ating naging mga kasalanan, nakagawian natin na pagtakpan, ihiwalay, o saktan ang ating sarili. Ang mga ito ay hindi nagdudulot ng tunay na pagpapahilom at pagpapanumbalik. Tanging Diyos lamang ang makapagpapanumbalik o makakapag-restore sa atin; kailangan nating tumakbo kay Jesus kapag tayo ay nabigo. Malaki ang kabiguan ni apostol Pedro, ngunit siya ay na-restore ni Jesus. Ang pagpapanumbalik ay hindi nakukuha sa isang proseso kundi sa isang Tao.

 

Si Pedro ay nasa kalagitnaan ng kanyang kabataan noong unang tawagin siya ni Jesus (Lucas 5:6-7). Narinig ni Pedro ang tungkol kay Jesus at nakaranas ng isang himala nang sila’y makapaglambat ng napakaraming mga isda (Lucas 5:6-7). Si Pedro ay tumugon nang may pagkamangha at paggalang at nakita ang kanyang sarili bilang isang taong makasalanan. Matapos ihayag ang Kanyang sarili kay Pedro, tinawag ni Jesus si Pedro upang maging Kanyang tagasunod (Lucas 5:8,10). Patuloy na masasaksihan ni Pedro ang marami pang mga himala sa pagsunod nya kay Jesus. Ngunit kahit na naranasan na niya ang lahat ng iyon, nabigo pa rin ni Pedro ang Panginoon, ipinagkaila niya si Jesus (Mateo 26:69-75). Tayo rin, pinagkakaila si Jesus kapag tayo ay nagsisinungaling, nanloloko, atbp. at atin Siyang binibigo. Pero paano tayo ipinapanumbalik ng Diyos?

HE REACHES OUT 

SIYA ANG UMAABOT (Juan 21:1-5)

 

Nagpasya si Pedro at ang iba pang mga alagad o disciples na bumalik sa pangingisda. Walang masama sa pangingisda, ngunit tinawag na ni Jesus si Pedro upang maging “mangingisda ng mga tao”(MBBTAG). Minsan, bumabalik tayo sa dati nating gawi kapag tayo’y nabigo. Hinahayaan natin ang ating sarili na lamunin ng kasalanan. Gayunpaman, inaabot tayo ng Diyos kapag nabigo tayo sa ating calling o panawagan. Tulad ni Jesus na nakatayo sa dalampasigan na tumawag kay Pedro nang umagang iyon, aktibo Niyang hinahanap ang mga nawawala (Lucas 19:10). Palagi nating inaalam kung ano ang mahalaga sa atin; mahalaga ka sa Diyos! Hinahanap tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapalibot sa atin ng mga taong may pananampalataya. Maaari kang maimbitahan sa isang gawain sa simbahan, o makarinig ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng isang awiting Kristiyano, makabasa ng isang verse sa social media, atbp. Si Jesus ay aktibong hinahanap ang bawat isa sa atin!

HE REMINDS 

SIYA ANG NAGPAPAALALA (Juan 21:6-13)

 

Ipinaalala ni Jesus kay Pedro ang unang pagkakataon nang Siya’y tinawag Niya upang sumunod sa Kanya. Ang senaryo na ipinakita ni Jesus kay Pedro at sa iba pang mga disciples ay katulad at isang paalala ng Kanyang panawagan o calling para sa kanila. Nais ipaalala ni Jesus sa kanila kung sino Siya—ang Siyang tumawag sa kanila, ang Diyos na makakagawa ng mga himala (ang masaganang huli ng isda, ang lambat ay hindi nasisira). Hindi lang iyon ang ipinaalala ni Jesus sa kanila. Nang putol-putolin Niya ang tinapay at ibigay ito sa kanila kasama ng inihaw Niyang isda para sa almusal, ito ay isang paalala ng Hapunan ng Panginoon. Isang paalala na inialay ni Jesus ang Kanyang katawan at ibinuhos ang Kanyang dugo para iligtas tayo. Ang pagpapaalala sa kung sino si Jesus ang magiging pinakamalaking motibasyon natin na muling bumangon kapag tayo’y nabigo.

HE REBUKES 

SIYA AY SUMASAWAY (Juan 21:14-17)

Maaaring gusto natin na si Jesus ay umabot sa atin at nagpapaalala sa atin kung sino Siya at ang Kanyang mga kaparaanan, ngunit maaaring hindi natin gusto ang katotohanang sinasaway din tayo ni Jesus kapag tayo ay nagkakasala. Kapag nakakatanggap ka lamang ng lakas ng loob at walang pagsaway para ipaalam sa iyo kung ano ang nagawa mong mali o kung saan mo dapat pagbutihin, iyon ay hindi pag-ibig. Kaya naman sinaway ni Jesus si Pedro. Ngunit tandaan, naghintay si Jesus hanggang matapos ang almusal. Minsan, sumasaway tayo kaagad, ngunit matuto tayo sa kung paano ito ginawa ni Jesus kay Pedro. Tatlong beses tinanong ni Jesus si Pedro kung Siya ay mahal nito—at sumagot si Pedro na mahal niya ang Panginoon. Ngunit nalungkot si Pedro na tinanong siya ni Jesus ng tatlong beses; ang parehong bilang ng beses na itinanggi ni Pedro si Jesus. Ito ay isang pagsaway mula kay Jesus; Sinasaway Niya tayo dahil mahal Niya tayo. Ngunit bahagi ng pagsaway ng Diyos ay ang Kanyang disiplina. May mga kahihinatnan ang ating mga pagkakasala — maaaring ito ay kahihiyan, pagsaway, pasakit na emosyonal, pisikal na pasakit (hal. sakit mula sa mga kasalanang seksuwal), kawalan, pagkasira ng mga relasyon, o kahit kamatayan. Hinahayaan ng Diyos na maranasan ng mga mahal Niya ang makalupang bunga ng ating mga kasalanan bilang bahagi ng Kanyang disiplina (Hebreo 12:5-6). Bahagi ng pagsaway ng Diyos ay ang Kanyang disiplina.

Kailangan nating magbigay ng tamang tugon sa disiplina ng Diyos. Kailangan nating aminin ang ating mga pagkakasala, tanggapin ang disiplina ng Diyos at patuloy na manahan sa Kanya. Sapagkat kapag tayo ay nananahan kay Jesus, kailangan nating magbigay ng tamang tugon sa disiplina ng Diyos. Kailangan nating aminin ang ating mga pagkakasala, tanggapin ang disiplina ng Diyos, at patuloy na manahan sa Kanya. Sapagkat kapag tayo ay nananahan kay Jesus, natatanggap natin ang kaginhawaang kailangan natin. Kahit na pinanumbalik tayo ng Diyos, ang mga kahihinatnan ay nagsasabi sa atin na hindi sulit ang halaga para magkasala.

HE RECOMMISSIONS

SIYA ANG MULING NAGPAPASUGO (Juan 21:18-22)

Pinasugong muli ni Jesus si Pedro sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanya na “Pakainin mo ang aking mga kordero”, ” Alagaan mo ang Aking mga tupa“, ” Pakainin mo ang Aking mga tupa “, at sa wakas… “Sumunod ka sa Akin!“. Inihahanda ni Jesus si Pedro para sa napakahirap na panahon na kanyang haharapin, na magpapahirap sa kanyang buhay. Pinangunahan ni Pedro ang simbahan sa panahon ng matinding pag-uusig sa ilalim ng emperador na si Nero. Ngunit hindi na muling itinanggi ni Pedro si Jesus. Noong panahong isinulat ang 1 at 2 Pedro, si apostol Pedro ay itinalaga ang kanyang sarili sa Panginoon, gaano man ito kahirap.

Tulad ni Pedro, madalas nating ikinukumpara ang ating buhay sa iba. Ang proseso ng kanilang pagpapanumbalik ay maaaring “mas madali” kaysa sa atin, ngunit hindi tayo dapat magpokus sa iba. Magpokus tayo at sumunod kay Jesus! Ang mga taong wasak na nagpapakumbaba sa kanilang sarili ay may malaking epekto sa kaharian ng Diyos. Ang pagkawasak ay nagiging maganda kapag tayo’y nagpakumbaba dahil nakikita natin kung paano ito pinapanumbalik ng Diyos. Isinulat ito ni Pedro sa kanyang liham para sa simbahang inuusig (1Pedro 5:6-7). Binabalaan din niya ang mga mananampalataya laban sa ating kaaway, ang diyablo (1 Pedro 5:8-9). Sa wakas, sinasabi sa atin ng 1Pedro 5:10 na ang Diyos mismo “ang siya ring magpapanumbalik, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo”. Ang ating mga hindi-kasakdalan o imperfections ay hindi maaaring limitahan ang Diyos ng buong biyaya na kumilos nang lubos sa ating buhay. Ang ating tugon ay magpakumbaba, at tumakbong pabalik kay Jesus dahil mayroon tayong Diyos na nagpapanumbalik.

DISCUSSION QUESTIONS

(Para sa mga lider: Pumili ng mga tanong na nababagay sa antas ng spiritual maturity ng iyong mga members)

1. Saang aspeto ng buhay ka nahihirapang sumunod sa Diyos at ano ang ginagawa mo para masulusyunan ito?

2. Anong kasalanan na nagawa mo noon o habang bata ka pa ang bumabagabag sa ‘yo hanggang ngayon?

3.Alam natin na ang Panginoon ang sa buhay natin. Ano ang sa tingin mo ang Kanyang ginagawa upang matulungan kang mapagtagumpayan ang mga bagay na nahihirapan ka?

4. Kilala natin ang Diyos na taga-ayos at nagbibigay kagalingan sa buhay natin. Ano sa tingin mo ang tugon na ninanais sa ‘yo ng Panginoon pagdating sa iyong mga paghihirap?

Works
PRAY CARE SHARE IN ACTION

Ipagdasal ang isang taong kilala mo na nabigo o “tumanggi” kay Jesus.

Hilingin sa Diyos na ibalik ang taong iyon, at maging kusang instrumento ng biyaya ng Diyos sa taong iyon.

Abutin, paalalahanan, o sawayin ng may pag-ibig at katotohanan.

Himukin ang taong iyon tungkol sa katotohanan na ang Diyos ay nagpapanumbalik at nagpapasugong muli sa atin kapag tumakbo tayong pabalik kay Jesus.

Ibahagi ang gospel o Mabuting Balita sa mga hindi pa nakakakilala kay Jesus upang maranasan nila ang pagpapanumbalik ng kanilang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo!

WEEKLY PRAYER POINTS

I. Thanksgiving / Pagpapasalamat

• Sambahin ang Diyos kung sino Siya,kung ano ang Kanyang nagawa at gagawin sa ating buhay.

II. Country and the World / Ng Ating Bayan at ng Mundo

• Matuwid at moral na pangangasiwa ng mga manggagawa sa gobyerno; pagsisisi at kaligtasan ng mga lider sa gobyerno at mamamayan para sa Christ-centered na Pilipinas.

• Tulong at pagkalinga ng Diyos para sa mga tao ng Sudan na nahaharap sa karahasan at kaguluhan.

• Ang pagtapos ng digmaan sa Ukraine, mapigilan ang pagkawala ng buhay; huminto ang tensyon sa mga bansa sa Silangang Asya at Gitnang Silangan.

• Patuloy na ipanalangin ang ligtas na pagbabalik ng mga natitirang bihag sa Israel sa kanilang mga pamilya. Ipanalangin na magtapos na ang digmaan ng Israel laban sa mga terorista ayon sa layunin ng Diyos at para sa Kanyang kaluwalhatian.

• Ipanalangin na ang kamakailang kaguluhang pampulitika at panlipunan sa Estados Unidos ay magresulta sa espiritwal na paggising sa simbahan at isang dakilang espiritwal na ani.

III. Church / Ating Simbahan

• Na ang mga miyembro ng CCF ay mabigyang dangal ang Diyos at magpaparami ng mga disciples

• Mga Elders, Pastors, Leaders, at mga Pamilya

• Ang mga ministries, mga church satellites at mga home churches sa buong mundo.

IV. CCF Facilities / Mga Pasilidad ng CCF

• Worship and Training Center

• Prayer Mountain

V. Personal Concerns / Mga Personal na Alalahanin

• Ang paglalim ng ating relasyon sa Diyos.

• Matuwid na pamumuhay

• Ang kaligtasan ng ating mga kapamilya at mga kaibigan.

Memory verse

1 PEDRO 5:10
_ANG BIBLIA,2001

menu