TRUTH: LIVE IT, PASS IT
Great Things, Know His Love, Man Of Sorrows, Solid Ground, Here’s My Life
Saang henerasyon ka nabibilang? Mag-share ng isang sikat na awitin o pelikula “nung iyong kapanahunan (kamusmusan,kabataan). Ano ang ipinapahiwatig ng kulturang popular sa mga pinapahalagahan ng iyong henerasyon?
1 TIMOTEO 4:12
_ANG BIBLIA, 2001
12 Huwag mong hayaang hamakin ng sinuman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging halimbawa ng mga mananampalataya sa pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya, at sa kalinisan.
1 TIMOTEO 2:1-3
_ANG BIBLIA, 2001
Kaya’t ikaw, anak ko, maging malakas ka sa biyayang na kay Cristo Jesus, 2 at ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa harap ng maraming saksi ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat na makakapagturo rin naman sa iba. 3 Makipagtiis ka ng mga kahirapan, gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
Ang mundo ngayon ay ipinagdiriwang ang kabataan, at may inklinasyon na mapabayaan nito ang mga nakatatandang henerasyon. Gayunpaman, sa disenyo ng Diyos, ang mga tao sa lahat ng antas ng edad ay mahalaga at may layunin sa mundong ito. Ang mga kalakaran ng kultura ay nakakaimpluwensya sa bawat henerasyon — mula sa Baby Boomers hanggang Gen Alpha. Ngunit ang katotohanan ng Diyos ang dapat mangibabaw sa ating mga buhay kahit sa anumang panahon ng buhay na tayo ay kasama(Juan 17:14-17, 2 Timoteo 3 16-17).
Ang apostol na si Pablo ay mayroong disciple na nakababata na ang pangalan ay Timoteo (1 Timoteo 1:1-4). Si Pablo ay nagbigay-tagubilin kay Timoteo na maging halimbawa sa iba, bilang isang nakababatang pastor sa Efeso (1 Timoteo 4:12). Kahit na ano pa mang age group ka nakabilang, ang lahat ng kay Cristo ay dapat namumuhay sa Katotohanan at ipasa ang Katotohanan. Paano natin ito gagawin?
LIVE IT
ISABUHAY
Upang maisabuhay ang Katotohanan, kailangan natin maiapply ang katotohanan ng Diyos at mangibabaw sa mga makamundong kalakaran sa ating PANANALITA. Kung ano ang ating sinasabi at kung paano nating ito sinasabi ay mahalaga. Ang nauuso sa panahong ito ay ang sabihin kung ano man ang ating nararamdaman, nang hindi sınasala. Kapag tayo ay nagsasalita at nakikipag-usap sa tao (sa social media at iba pang pakikipag-ugnayan), mayroon tayong pagkakataon na patatagin ang iba (Efeso 4:29). Sinasabi ni Santiago sa atin na ang ating mga salita ay may kapangyarihan magbigay ng buhay at kamatayan! Mangusap ng buhay sa ibang tao – gamitin ang iyong sariling buhay upang sila ay maging matatag.
Isinasabuhay natin ang katotohanan ng Diyos sa ating PAG-UUGALI. Ang uso ngayon ay isabuhay ang sariling “katotohanan” sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano man ang nakapagpapasaya sa iyo sa kabila ng kung ano man ang iniisip ng Diyos o kung paano ito nakakaapekto sa iba. Ngunit para sa mga Kristiyano, kalooban ng Diyos na ugaliin nating maging karapat-dapat sa ebanghelyo (Filipos 1:27). Ibig ng Diyos na isabuhay natin ang ating personalidad sa paraang magdudulot ng kaluwalhatian sa Kanya. Ang isa pang uso ngayon ay ang magmahal na ayon sa pangsariling katuparan; iniiwan mo kapag ito ay hindi na kapakipakinabang sa iyo. Ngunit sinasabi ng Bibliya sa atin na ang PAG-IBIG ay matiisin at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi maiinggitin, o mapagmalaki o hambog; (1 Corinto 13:4). Sinasabi ni Jesus sa atin na walang pagibig ang hihigit pa sa pag-aalay ng buhay para sa isang kaibigan. Sinasabi ni Pablo kay Timoteo na sa mga huling araw (na nagsimula nang si Jesus ay umakyat sa Kalangitan), ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili sa halip na maging maibigin sa Diyos, atbp. (2 Timoteo 3:1-5). Ang Diyos ay pag-ibig (1 Juan 4:8); ang pag-ibig ay isang kahanga-hangang bagay, subalit kung ang pag-ibig para sa sarili o para sa ibang mga bagay ay nagiging higit sa pag-ibig mo para sa Diyos, ito ay pag-ibig na walang mapupuntahan! Upang maisabuhay ang katotohanan sa anumang ating minamahal, kailangang nating ibigin ang Diyos nang higit sa lahat!
Isinasabuhay natin ang Katotohanan sa ating PANANAMPALATAYA. Ang uso ngayon ay ang maniwala sa iyong sarili nang higit sa lahat — sarili mo ang pinanggagalingan ng iyong lakas at tagumpay. Ngunit, sinasabi ng Bibliya sa atin na magtiwala tayo sa Diyos, huwag manalig sa sariling pang-unawa (Mga Kawikaan 3:5). Ginagawa natin ito kapag tayo ay nananalangin para sa iba sa halip na kontrolin ang hindi natin makontrol. Ang pananalangin ang sumasalamin sa ating pananampalataya kay Jesus, hindi sa ating mga sarili. Ang isa pang uso ngayon ay nagsasabing pwede kahit ano basta masarap sa pakiramdam; ginagawa ito ng lahat at ang mga moral na limitasyon ay makaluma. Ngunit, ang katotohanan ng Diyos ay nagtuturo sa atin tungkol sa PURITY o PAGKADALISAY na tayo ay dapat umiwas mula sa imoralidad na sekswal … ang iyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nananahan sa iyo (1 Corinto 6:18-19).
Nilikha ng Diyos ang sex o pagtatalik, isang magandang bagay sa loob ng pag-aasawa. Sa labas ng kasal, tayo ay dapat lumayo dito. Ang sex ay hindi ang ultimate o pangunahing sa lahat ng bagay; huwag paniwalaan sa kasinungalingan na kung hindi ka nakikipagtalik ay may kulang sa iyo o hindi ka maaaring magkaroon ng kasiyahan (sa labas ng kasal). Sundin ang disenyo Niya para sa kasal at kasarian (sa pagitan ng lalaki at babae) at pamilya. Bakit tayo ay dapat maging dalisay? Upang tayo ay maging kapaki-pakinabang sa ating Panginoon, handa para sa lahat ng mabuting gawa (2 Timoteo 2:20-21). Binibigyan Niya tayo ng kapangyarihan upang gawin ito, ngunit kailangan nating magdesisyon upang mapabanal ang ating mga sarili, manatiling pure o dalisay. Sa bawat panahon ng ating buhay, nais ng Diyos na gamitin tayo. Pagdating sa kasalanang seksuwal, nilalabanan natin ito sa pamamagitan ng “pag-iwas” mula dito at ang paghahangad ng kabanalan. Huwag magpokus sa kasalanan, magpokus kay Jesus. Kailangan natin ang mga tao sa ating buhay upang tayo ay tulungan. Hindi tayo sapat sa ating mga sarili! Kailangan natin ng iba upang hikayatin tayo.
Piliin ang iyong mga laban; huwag tayong maging mga taong palaaway! Maging maamo sa lahat, matiyaga kapag ikaw ay ginawan ng mali dahil sa kaamuan, maaaring palambutin ng Diyos ang puso ng sa atin ay sumasalungat para malaman nila ang katotohanan (2 Timoteo 2:23-26).
PASS IT
IPASA ITO
Hindi lamang natin isinasabuhay ang katotohanan, ngunit ipinapasa din natin ito sa iba. Tayo ay pinanghihinaan ng loob dahil umaasa tayo sa ating sariling lakas. Sinasabi ni Pablo kay Timoteo na maging matatag sa Panginoon, at ipasa rin ang katotohanan na kanyang tinanggap. Ipinagkatiwala ni Pablo ang katotohanan kay Timoteo, na siya namang magpapasa nito sa mga taong tapat na siyang magtuturo naman nito sa iba pa. Apat na henerasyon ng mga disciples.
Sino ang unang ipinagkatiwala ang katotohanan kay Timoteo? Ang kanya mismong ina na si Eunice at ang kanyang lola na si Loida (2 Timoteo 1:5) Marahil ang ama ni Timoteo ay hindi mananampalataya, dahil siya ay hindi nabanggit. Para sa mga single parents ngayon, maaari mong palakasin ang iyong loob kahit wala kang asawa, maari mong ipasa ang iyong pananalig sa iyong mga anak.
Ang mga Kristiyano ay enlisted o nakalista upang maglingkod kay Cristo tulad ng mga sundalo na naglalayong bigyangkasiyahan ang kanilang pinunong opisyal (2 Timoteo 2:3-4). Tayo ay makakaranas ng paghihirap habang tayo ay naglilingkod sa Diyos. Habang ipinapasa natin ang katotohanan, may mga bagay na maaring mag-alis sa atin ng karapatan. Tulad ng mga atleta, kailangang sumunod tayo sa mga alituntunin. Tulad ng isang magsasaka, maging masipag habang ito ay ating ipinapasa. Bibigyan ka ng Diyos ng pangunawa habang nagninilay ka tungkol sa katotohanan ng Diyos (2 Timoteo 2:5-7). Kapag ikaw ay pinanghihinaan at pagod, alalahanin mo si Jesus. Ito’y para sa Panginoon kaya tiniis ni Pablo ang lahat ng bagay (mga pagdurusa) (2 Timoteo 2:8-10).
Ang mga kabataan ay maaaring gamitIn ng Diyos ngayon habang isinasabuhay nila ang Katotohanan at ipasa ito. Sa mga mas nakakatanda, huwag ipagpasawalang bahala ang buhay at panahong ibinigay ng Diyos sa inyo kasama ng inyong mga mahal sa buhay – ipasa ito, isabuhay! Sana tayo ay maging katulad ni apostol Pablo, na lumaban ng isang mabuting labanan at nakatapos na mabuti (2 Timoteo 4:7-8).Isabuhay ang Katotohanan ng Diyos at ipasa ito sa mga susunod na henerasyon!
(Para sa mga lider: Pumili ng mga tanong na nababagay sa antas ng spiritual maturity ng iyong mga members)
1. Ano ang kailangan mong ayusin sa buhay para ikaw ay mamuhay ayon sa katotohanan ng Diyos?
2. Paano mo maipapasa ang katotohanan ng Diyos sa iba?
3. Kanino mo maipagkakatiwala ang katotohanan?
Ipanalangin mo ang mga kabataang kilala mo na naiimpluwensiyahan ng mga uso na kumakalaban sa Katotohanan ng Diyos.
Maging halimbawa sa pagsasabuhay ng Katotohanan sa pamamagitan ng iyong mga salita at pag-uugali, pagmamahal, pananampalataya at purity o pagkadalisay habang ikaw ay nakikisalamuha sa mga tao mula sa ibat-ibang edad.
Ipasa mo ang katotohanan ng ebanghelyo ni Cristo sa susunod na henerasyon.
I. Thanksgiving / Pagpapasalamat
• Sambahin ang Diyos kung sino Siya,kung ano ang Kanyang nagawa at gagawin sa ating buhay.
II. Country and the World / Ng Ating Bayan at ng Mundo
• Matuwid at moral na pangangasiwa ng mga manggagawa sa gobyerno; pagsisisi at kaligtasan ng mga lider sa gobyerno at mamamayan para sa Christ-centered na Pilipinas.
• Tulong at pagkalinga ng Diyos para sa mga tao ng Sudan na nahaharap sa karahasan at kaguluhan.
• Ang pagtapos ng digmaan sa Ukraine, mapigilan ang pagkawala ng buhay; huminto ang tensyon sa mga bansa sa Silangang Asya at Gitnang Silangan.
• Patuloy na ipanalangin ang ligtas na pagbabalik ng mga natitirang bihag sa Israel sa kanilang mga pamilya. Ipanalangin na magtapos na ang digmaan ng Israel laban sa mga terorista ayon sa layunin ng Diyos at para sa Kanyang kaluwalhatian.
• Ipanalangin na ang kamakailang kaguluhang pampulitika at panlipunan sa Estados Unidos ay magresulta sa espiritwal na paggising sa simbahan at isang dakilang espiritwal na ani.
III. Church / Ating Simbahan
• Na ang mga miyembro ng CCF ay mabigyang dangal ang Diyos at magpaparami ng mga disciples
• Mga Elders, Pastors, Leaders, at mga Pamilya
• Ang mga ministries, mga church satellites at mga home churches sa buong mundo.
IV. CCF Facilities / Mga Pasilidad ng CCF
• Worship and Training Center
• Prayer Mountain
V. Personal Concerns / Mga Personal na Alalahanin
• Ang paglalim ng ating relasyon sa Diyos.
• Matuwid na pamumuhay
• Ang kaligtasan ng ating mga kapamilya at mga kaibigan.
1 TIMOTEO 4:12
_ANG BIBLIA,2001
12 Huwag mong hayaang hamakin ng sinuman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging halimbawa ng mga mananampalataya sa pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya, at sa kalinisan.