2024-10-Web

BE FAITHFUL THERE’S HOPE FOR TOMORROW

NOV 24, 2024

Worship

The Same Jesus, Praise, Ancient of Days, I Speak Jesus, This Kingdom

Welcome

Nasusubaybayan mo ba kamakailan ang mga balita tungkol sa Israel? Bakit o bakit hindi?

Word

Daniel 12:1-3

((BASAHIN ANG BUONG KABANATA 12 PARA SA KONTEKSTO)

“Sa panahong iyon ay tatayo si Miguel, ang dakilang pinuno na tagapag-ingat ng iyong bayan. At magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong iyon. Ngunit sa panahong iyon ay maliligtas ang iyong bayan, bawat isa na ang pangalan ay matatagpuang nakasulat sa aklat. 2 Marami sa mga natutulog sa alabok ng lupa ay magigising, ang iba’y tungo sa buhay na walang hanggan, at ang iba’y tungo sa kahihiyan at sa walang hanggang paghamak. 3 Ang mga pantas ay magniningning na tulad ng kaningningan ng langit; at ang mga nagpabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailanpaman.

Ang pag-aaral ng Biblikal na propesiya ay mahalaga dahil sa ilang mga kadahilanan:

 

  1. Pinapatunayan nito kung sino ang Diyos.
  2. Pinapatunayan nito na ang Bibliya ay maaasahang salita ng Diyos.
  3. Tinutulungan tayong lumago sa pananampalataya.
  4. Inihahanda tayo para sa buhay na walang hanggan.
  5. Dapat nitong hikayatin tayo na ibahagi si Jesus sa iba.

 

Ang buong Bibliya, at lahat ng tungkol sa propesiya, ay umiikot kay Jesus—kabilang na ang mga propesiya tungkol sa wakas ng panahon. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinangako ni Heneral Douglas MacArthur na, “I shall return,” at mahigpit na pinanghawakan ng kanyang mga tropang sundalo na napaligiran ng mga kaaway, ang mga salitang iyon. Kung si Heneral MacArthur, na isang tao lamang na may limitadong kapangyarihan, ay tinupad ang kanyang pangako at pinalaya ang Pilipinas mula sa mga kaaway, tiyak na magagawa at tutuparin ni Jesus ang Kanyang pangako na bumalik para sa Kanyang mga tao! Ito ang magiging “araw ng ating pagtubos”! Sa lahat ng nangyayari sa mundo ngayon—ang banta ng papalalang mga digmaan, moral na pagkabulok, atbp.—at sa ating mga pinagdadaanan sa pinansyal, relasyon, at kalusugan, ang mensaheng ito ay mahalaga para sa ating lahat. Si Jesus ang ating pag-asa para sa kinabukasan, kaya maging tapat tayo! Matututuhan natin kung paano mula sa kawili-wili at mapanghamong Aklat ni Daniel.

1) ANG KAHARIAN NG DIYOS ay mananatili magpakailanman.

Nagkaroon si Haring Nebukadnezar ng Babilonia ng isang mahiwagang panaginip tungkol sa isang rebulto at hiniling niya kay Daniel na ipaliwanag ito. Matapos ilarawan nang detalyado pati na ang batong tumama sa mga paa nito (Daniel 2:31-35), ipinaliwanag ni Daniel ang kahulugan nito sa mga sumusunod na talata. Ang rebulto ay kumakatawan sa mga kaharian ng mundo na darating at lilipas sa kasaysayan:

 

Ulo: BABILONIA (Daniel 2:36-38)
Dibdib at mga braso: MEDO-PERSIANO (Daniel 2:39)
Tiyan at mga hita: GRESYA (Daniel 2:39)
Mga binti: ROMA (Daniel 2:40)
Mga paa/10 daliri: MULING NABUONG IMPERYO NG ROMA? (Daniel 2:41-43)

 

Ang bahagi ng Mga Paa/10 daliri (marahil ay isang muling nabuo o pinalakas na Imperyo ng Roma) ay hindi pa natutupad, ngunit tiyak na mangyayari ito. Subalit tulad ng minsang makapangyarihang Imperyo ng Babilonia na sinakop ng kahariang Medo-Persiano noong panahon ni Daniel (Daniel 5:30-31), ang hinaharap na kaharian na ito ay wawasakin din. Ang kaharian lamang ng Diyos ang magtatagal magpakailanman! Saan mo inilalagay ang iyong pagtitiwala para sa kinabukasan?

 

Maging si Daniel ay nagkaroon ng panaginip tungkol sa Imperyo ng Medo-Persiano (isang tupang may dalawang sungay) na sinakop ng Imperyong Griyego (Daniel 8:1-8). Tinupad ni Alexander the Great ang bahaging ito ng propesiya (isang lalaking kambing na may malaking sungay). Pagkamatay niya, apat na heneral ang namuno sa imperyo. Ayon sa kasaysayan, ang mga heneral na ito ay naglabanlaban at hinati ang imperyo sa kanilang mga sarili: sina Cassander, Lysimachus, Seleucus, at Ptolemy. Lahat sila ay kalaunan natalo ng mga Romano (ayon sa propesiya). Dinurog ng Roma ang kanilang mga kaaway at namuno sa mga nasakop na bansa nang buong higpit. Hindi ito tulad ng anumang kaharian bago nito. Nakakita si Daniel ng apat na halimaw (Daniel 7:1-8) na sumasalamin sa pangitain ng mga halimaw sa Kabanata 8.

 

Ang Imperyo ng Roma ay nagtayo ng malawak na network ng mga kalsada na nagbigay-daan upang maipatupad nito ang batas ng Roma saan man. Gayunpaman, ito rin ay naging tiwali dahil sa mga hidwaan sa loob ng pamahalaan, at sa kalaunan, ang imperyong ito ay bumagsak din.

 

Ang panaginip ni Nebukadnezar tungkol sa isang “bato” na tumama sa mga paang bakal at clay ay dumurog sa estatwa. Ang “bato” na iyon ay si Jesu-Cristo (Gawa 4:11-12)! Siya ba ang Bato at Saligan ng iyong buhay ngayon? Ang kaharian lamang ng Diyos ang magtatagal magpakailanman (Daniel 2:44). Ang ating tiwala at pananalig ay dapat na nakatuon lamang kay Jesus!

2) ANG MGA TAO NG DIYOS ay susubukin.

 

Sa mga salaysay sa Aklat ni Daniel, mababasa natin kung paano sinubok ng Diyos ang mga tao sa iba’t ibang aspeto (Daniel 1:8, 3:18, 6:10). Hanggang ngayon, ang mga tao ng Diyos ay sinusubok at patuloy na susubukin.

 

Isa sa mga heneral na humalili kay Alexander the Great ay “dinakila ang sarili” upang maging katumbas ng Diyos (Daniel 8:9-11). Si Antiochus Epiphanes (“nagpapahayag ng diyos”), noong 175-164 BC, ay gumawa ng “kasuklam-suklam na kalapastanganan” nang maghandog siya ng baboy sa loob ng templo sa Jerusalem. Ang propesiyang ito ay may “dobleng katuparan,” na nangangahulugang may hinaharap na pangyayari kung saan ito ay muling matutupad. Noon, sinubok ang mga tao ng Diyos, at totoo pa rin ito ngayon. Mayroong 365 milyong Kristiyanong inuusig sa buong mundo (Open Doors, 2024). Lumalaganap at ipinapataw ang mga liberal na pananaw sa mundo (sa pamamagitan ng batas, social media). May banta ng pagkalugi sa ekonomiya at lipunan kung hindi susunod ang mga Kristiyano sa mga pananaw na ito. Tayo rin ay susubukin mula sa loob upang ikompromiso ang ating pananampalataya at sumuway sa Diyos. Ang pag-ibig sa sarili, salapi, at kalayawan; pagkakabahabahagi, kawalan ng pagpapatawad; pamumuhay ng dobleng buhay, at DIY/palsipikadong Kristiyanismo ay mga palatandaan ng mga huling araw na babala ni Pablo at maging ni Jesus.

 

Isang hinaharap na “Imperyo ng Roma” (ang ika-apat na hayop/ halimaw na naiiba sa unang tatlo), na maaaring isang muling nabuo na Imperyo ng Roma, ang lilitaw pa rin (Daniel 7:7). Ang “halimaw” na ito ay inilalarawan din na may sampung sungay sa Pahayag 13:1, na tumutugma sa hula sa Daniel 7 (mga talata 7-8, 21).

3)  ANG ANAK NG DIYOS, si Jesus, ay magbabalik!

 

Ang 70 linggo (490 taon) mula sa panahon ni Daniel ang itinalagang timeline para sa katuparan ng propesiya tungkol sa mga huling araw. Kasama dito ang 69 linggo (483 taon) mula sa panahon ni Daniel hanggang sa kautusan na muling itayo ang Jerusalem (445 BC), at ang muling pagtatayo nito noong 396 BC (kasunod ng mga “tahimik na taon” sa pagitan ng Lumang Tipan at Bagong Tipan) (Daniel 9:24-26). Bago ang ika-70 linggo ay mayroong agwat ng panahon na naglalaman ng mga mahahalagang pangyayari tulad ng pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, ang pagpapako sa krus (32 AD), ang pagkawasak ng Jerusalem (70 AD), at ang “Panahon ng Iglesia” na patuloy hanggang ngayon, papunta sa hindi tiyak na bilang ng mga taon sa hinaharap hanggang dumating tayo sa ika-70 “linggo” (7 taon) ng propesiya ni Daniel. Sa huling panahong ito ng mga huling araw ay magkakaroon ng isang 7-taong tipan sa pagitan ng Antikristo at Israel na kaniyang babasagin “sa kalagitnaan ng linggo” (3.5 taon). Ang tribulasyon ay magaganap sa panahong ito at ang ikalawang katuparan ng “kasuklam-suklam na ay magaganap din (Mateo 24:15-16). Sa wakas, magkakaroon ng “ganap na pagkawasak ng nagiging sanhi ng pagkaparalisa” — ang huling at panghabang-buhay na pagkatalo ni Satanas! Ang Matanda sa mga Araw ay darating, at ang Kanyang mga tao ay magmamay-ari ng walang hanggang kaharian (Daniel 7:14, 21-22). Ang mga tao ng Diyos ay ililigtas sa “panahon ng kapighatian”; ang mga nasa Aklat ng Buhay ay “magigising” sa buhay na walang hanggan… at ang mga nagdadala ng tao kay Jesus ay kikinang tulad ng mga bituin magpakailanman (Daniel 12:1-3)!

DISCUSSION QUESTIONS

(Para sa mga lider: Pumili ng mga tanong na nababagay sa antas ng spiritual maturity ng iyong mga members)

1.⁠ ⁠⁠.Saan ka nagtitiwala para sa hinaharap? Paano naman para sa pang-habambuhay?

2.⁠ ⁠⁠Paano nasubok ang iyong pananampalataya kay Hesus? Paano ka Niya tinulungan upang mapagtagumpayan ang pagsubok?

3. Paano nakaka-apekto sa iyong buhay ngayon ang katiyakang babalik si Hesus balang araw?

Works
PRAY CARE SHARE IN ACTION

Magdasal para sa pamilya, mga kaibigan, at mga tao sa ating paligid na magkaroon ng kamalayan na sa likod ng mga balita, mayroong isang espiritwal na realidad sa nangyayari sa mundo.

Maging tapat sa pagbabahagi kay Jesus sa iba saan man tayo naroroon.

Imbitahan ang mga tao na mag-aral ng Bibliya kasama ka sa isang Dgroup at ibahagi sa kanila ang serye ng mensahe ngayong Linggo.

WEEKLY PRAYER POINTS

I. Thanksgiving

• Sambahin ang Diyos kung sino Siya,kung ano ang Kanyang nagawa at gagawin sa ating buhay.

II. Country and the World

• Matuwid at moral na pangangasiwa ng mga manggagawa sa gobyerno; pagsisisi at kaligtasan ng mga lider sa gobyerno at mamamayan para sa Christ-centered na Pilipinas.

• Para sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo na makabangon sa aspeto ng ekonomiya at maibalik ang kanilang espirituwal na kalagayan.

• Matapos ang digmaan sa Ukraine, na maiwasan ang pagkawala ng buhay; ang tensyon sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas ay mapayapang malutas.

• Patuloy na ipanalangin ang ligtas na pagbabalik ng mga natitirang bihag sa Israel sa kanilang mga pamilya. Ipanalangin na magtapos na ang digmaan ng Israel laban sa mga terorista ayon sa layunin ng Diyos at para sa Kanyang kaluwalhatian.

• Para sa kinalabasan ng eleksyon sa US na magbukas ng daan para sa espirituwal na paggising sa simbahan at isang malaking espirituwal na ani.

III. Church

• Na ang mga miyembro ng CCF ay mabigyang dangal ang Diyos at magpaparami ng mga disciples,

• Mga Elders, Pastors, Leaders, at mga Pamilya

• Ang mga ministries, mga church satellites at mga home churches sa buong mundo.

IV. CCF Facilities

• Worship at Training Center

• Prayer Mountain

V. Personal Concerns

• Ang paglalim ng ating relasyon sa Diyos.

• Matuwid na pamumuhay

• Ang kaligtasan ng ating mga kapamilya at mga kaibigan

Memory verse

DANIEL 12:3 Ang Biblia, 2001

Ang mga pantas ay magniningning na tulad ng kaningningan ng langit; at ang mga nagpabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailanpaman.

menu