
18 Apr Samson: Practice Self-Control – PM – Runthrough
Hinahayaan mo bang mangibabaw ang damdamin mo? ‘Yung tipong okay ka naman sa una pero maya-maya na lang bigla kang nagre-react o naghahabol sa mga bagay na sa huli ay hindi naman pala magbibigay ng tunay na kaligayahan. Lahat tayo nakaranas na ng mga ganyan! Sa totoo lang, kapag hinayaan mong maghari ang emosyon mo at hindi makapagpigil sa sarili, mawawalan tayo ng pokus, direksiyon at kapayapaan. Kaya hindi dapat tayo manatiling ganyan. Tuklasin ang katotohanan ng ating panahon! Matuto tayo sa halimbawa ni Samson, kung paano makakabuti sa atin ang pagpipigil sa sarili, matutunan ang ating mga kahinaan, at kabisaduhin ang ating mga emosyon.
Sorry, the comment form is closed at this time.